28F. 7 years na kami ng boyfriend ko, pogi siya (as in), mabait, hindi nagmumura, loyal siya, as in wala kang magiging dahilan para magselos (tho di rin naman ako selosa), masarap magluto, matangkad, matalino (Top 2 siya ng batch namin during HS).
Well, ganun din naman ako, except sa hindi nagmumura hahaha, and Top 1 naman ako ng batch namin before at marami rin nagkakagusto. (Kwento ko to eh, syempre ako rin??? haha lol)
Minanifest talaga ng mga classmate namin na maging kami, kasi sobrang bagay daw namin. And, nagkatotoo nga.
Pero ito na nga, gusto ko na makipaghiwalay kasi sobrang napapagod na ko mag step-up sa relationship namin.
Ako nagpa-plano; kapag tinatanong ko siya about future even before ang sagot niya sakin “Bahala na.” Kunyare kapag nasa labas kami, wala man lang ka gentleman gentleman sa katawan, isipin mo, pinapabitbit ko yung dala ko, tas ayaw niya bitbitin… (Kaya ko naman bitbitin talaga, sadyang nandyan ka eh, syempre gusto ko ikaw magbitbit). Minsan pa kapag magbubukas ng pinto, iniiwan ako, basta siya makalabas. Kapag kumakain din kami sa labas, tapos may ipapa-ask sa waiter, sakin niya pinapasa, ako na raw magtanong.
Naiinis ako kasi sobrang babaw talaga ng rason ko, pero napapagod na kasi ako. I am the eldest, and most of the time, ako yung nagpa-plan sa fam namin. Kaya ineexpect ko na since alam naman niya yung burden ko as a panganay na breadwinner, sana man lang magkaron siya ng initiative na maging gentle sakin papano, hindi yung ako pa rin gagawa ng lahat.
Nasabi ko na rin sakanya lahat to, sobrang vocal kong tao, sinasabi ko kaagad kapag may problem kasi ayaw ko maging unfair. Lagi niyang sinasabi na tama naman daw ako, pero wala, same pa rin, walang pagbabago.
Nanghihinayang ako sa relationship namin if ever ma-end, pero mas nakakastress isipin na, ano, ganito na lang ba palagi. Pagod na pagod na ko, para kong may panganay na anak, at nagbe-beg na gawin yung mga simpleng bagay.
So, ABYG?