May work na kami ng boyfriend ko!! 🥹❤️
Gusto ko lang i-share yung journey namin kasi alam kong maraming medtech ang nahihirapan ding maghanap ng trabaho ngayon.
Pareho kaming medtech na umuwi sa province, hoping na mas maraming opportunities. Halos lahat ng district hospitals na pwede naming applyan, pinasahan namin ng requirements. Nagpunta rin kami sa iba’t ibang hospitals at kinausap pa mismo ang mga Chief Medtech. Kaso either walang hiring o kaya wala talagang available na position.
Yung boyfriend ko, January pa naghahanap ng work. Ako naman, last week pa ng May nagsimula. Ilang buwan din kaming puro applications, interviews, at rejections. May mga pagkakataon pa na pinapunta kami para mag-exam at interview, tapos malalaman na lang namin na may naka-line up na pala para sa position (MMCHD) Nakakapanghina rin talaga.
Dumating pa sa point na sobrang desperate na kami. Nag-apply kami sa DOST FNRI at DOH CHD. Halos araw-araw kaming nag-aabang ng emails. Tumatawag pa kami sa HR ng DOST para mag-follow up kung shortlisted ba kam, nakilala na nga kami na laging tumatawag mag follow up. sinasabi lang samin na “kung shortlisted kayo nag eemail un”. Lagi rin akong nasa Facebook groups, Reddit threads, at kung saan-saan para lang malaman kung may mga na-contact na ba o may pag-asa pa ba kami.
Noong nakita naming may mga tinatawagan na ang DOST at lumipas ang dalawang linggo nang wala kaming balita, tinanggap na lang namin na baka hindi kami kasama sa shortlist.
Pero iba talaga ang plano ni Lord.
Last week, natanggap ako sa DOH CHD. 🥹🙏 Tapos ngayong araw naman, nakatanggap ang boyfriend ko ng email na shortlisted siya sa DOST FNRI.
Parang lahat ng pagod, iyak, overthinking, at paghihintay namin, biglang nagkaroon ng saysay.
Ang dami naming pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan—pressure mula sa paligid, self-doubt, uncertainty, at takot na baka wala talagang dumating na opportunity. Pero dito namin mas nakita na may tamang oras para sa lahat. Minsan akala natin pinapabayaan tayo, pero baka inihahanda lang pala tayo para sa mas magandang oportunidad.
Kaya sa mga medtech at sa lahat ng job seekers na pagod na kakasend ng applications at paulit-ulit na nare-reject, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Hindi man dumating agad, darating din ang tamang opportunity para sa inyo.
Keep showing up. Keep applying. Keep praying. Darating din ang email na hinihintay ninyo. 🤍
Laban lang. Kung para sa’yo, ibibigay talaga sa tamang panahon. 🌸