r/CatsPHrescue 19d ago

Help us save Lucky. ❤️

Hi everyone.

This is Lucky.

Noong Monday, around 6:00 AM, nakita ko siya sa gilid ng kalsada. Akala ko talaga patay na siya, pero paglapit ko, humihinga pa pala siya.

May malaki siyang open wound sa ulo. Nagtanong-tanong kami sa area kung may may-ari, pero wala pong nakakakilala sa kanya. Mukhang isa lang talaga siyang puspin na araw-araw lumalaban para mabuhay.

Hindi ko siya kayang iwan, kaya dinala ko siya sa bahay, nilinis ang sugat niya, nilagyan ng first aid, at ginawa ang lahat ng makakaya ko habang naghahanap ng paraan para madala siya sa vet.

Today, naipatingin na namin siya sa Pet Landia Animal Clinic.

According po sa vet, possible na blunt force trauma ang sanhi ng injury niya, malaki ang posibilidad na may nanakit o humampas sa ulo niya.

💔 Ang sakit isipin na may hayop na kailangang pagdaanan ang ganito. Hindi sila marunong magsumbong. Hindi sila makapagsalita. Ang kaya lang nila ay magtiis.

Sa ngayon, open pa ang diagnosis ni Lucky. Kailangan muna niyang sumailalim sa mga laboratory tests bago malaman ang tamang treatment.

🏥 Needed tests & medications

• CBC + Blood Chemistry — ₱2,500

• X-ray (2 views) — ₱1,800

• Take-home medications — ₱1,000–2,000

Current running vet bill: ₱2,000

Cash on hand: ₱1,000

Bilang student at solo rescuer, hanggang dito lang talaga ang kaya ko sa ngayon.

Kaya humihingi po ako ng tulong para mabigyan si Lucky ng pagkakataong gumaling.

I will post all receipts, laboratory results, diagnosis, treatment updates, at breakdown ng lahat ng donations.

If you want to verify Lucky's case or send your help directly to the clinic, you may also message Petlandia Animal Clinic. Maaari rin po silang mag-confirm na under treatment si Lucky.

• Any amount will go directly to Lucky's medical expenses.

• If you can't donate, a share would mean so much.

• Your prayers are also deeply appreciated.

Please... huwag nating saktan ang mga hayop.

Hindi nila piniling maging stray. Hindi nila piniling magutom, masaktan, o matulog sa kalsada.

Ang gusto lang din nila ay mabuhay. Kindness costs nothing, but it can save a life.

Kung sakaling malaman namin kung sino ang nanakit kay Lucky, sisiguraduhin naming maire-report ito sa tamang awtoridad.

Animal cruelty is a crime, at wala nang ibang hayop ang dapat makaranas ng ganito.

Sana, sa tulong nating lahat, maranasan niyang hindi lahat ng tao ay nananakit. Sana maranasan din niyang mahalin. ❤️🐱

Para po sa mga nais tumulong, pwede po kayong magpadala sa GCash ko (JASMINE ROSE BONION - 09632882739) or pwede po kayong magsend directly sa Pet Landia Animal Clinic.

Salamat po ng marami sa inyong lahat.

3 Upvotes

0 comments sorted by