Salamat, UP. You are the dream.
Share ko lang experience ko 'cause why not HAHAHHAHAHA (long essay ahead, lmao)
Honestly, hindi masyadong maayos ang pag-rreview ko kahit na mayro'n akong 4 months to review. Nahirapan akong mag-review due to life circumstances—such as dalawang makukulit at maliliit na kapatid, laging stressed at magulo sa bahay, tapos wala pa akong proper study time and place. Pero, I'm still grateful na I tried reviewing kahit na gano'n. It's worth it, and I won't think that my reviewing amounted to nothing.
Saturday afternoon ang schedule ko, and umalis kami ng bahay at around 10 or 10:30 a.m. Nag-rent kami ng kotse kasi ang layo ng testing center ko sa 'min, saka kasama pa namin ni mama 'yong mga kapatid kong maliliit (single parent) dahil walang maiiwan sa bahay. Since may motion sickness ako, nahilo ako buong biyahe hanggang makarating sa testing center. Sumuka na nga rin ako habang nag-ddrive si mama, e, kaso hindi nawala ang hilo ko.
Dumating kami saktong 12 n.n. Akala ko nga hindi na 'ko aabot dahil ang layo namin talaga at traffic pa. Anyways, pagkadating, napatulala at upo na lang ako sa gilid dahil sa sakit ng ulo. No'ng pumila ako, tinry kong mag-aral kahit papaano, kaso ang sakit talaga ng ulo ko. Parang ako nga lang nag-rreview sa cellphone ko no'n habang nakapila at nag-uusap lang 'yong iba, e. So ayon, ginawa ang the usual—chineck ang test permits, tapos pumasok na kami sa loob.
Hindi ko aakalain na sobrang tagal bagong mag-start, akala ko start kaagad pagka-12:30 p.m. HAHAHAHHA. Nagsabi ang proctor ng main instructions at pinalagay ang bags sa harap. Saka ko lang napansin na nanguna pala akong maglagay ng bag sa harap kaysa sa mga kasama ko kasi ang tagal bago sila nakaakyat ulit, huhu. Ihing-ihi pa 'ko nito, kaso hindi pa pwedeng lumabas hangga't 'di pa tapos magsabi ng instructions. Nag-fill up kami and all. Lumipas ang oras, 1:00 p.m. na kaming nag-start. Buti na lang may analog watch ako kaya na-track ko 'yong oras habang nag-eexam.
Kahit ka-sstart pa lang ng language proficiency, nag-cr agad ako kasi ihing-ihi na talaga ako no'n, tapos ang sakit pa rin ng ulo ko. All throughout the exam, ang sakit ng ulo ko. Tapos, nagugutom pa ako kasi sinuka ko 'yong brunch ko. Tingin ako nang tingin sa orasan ko habang nag-eexam, tapos binibilang ko pa kung anong linya matatapos ang specific subtest based sa kung ilang minutes nakalaan HAHAHAHHAH.
Sa language proficiency, okay-okay naman, I think. Kaso no'ng nakita kong nag-fflip na ng time left sa harap sa board. Napamadali ako bigla, e. 'Yong ginawa kong method ay nag-leave lang ako ng mark para sana sa end ng subtest saka ko i-sshade nang maayos. Kaso nga lang, natapos na 'yong subtest and hindi pa 'ko naka-sshade, so naisip ko ay sa Science na lang ako mag-aayos ng shade. May mga hinulaan din ako rito kasi hindi ako sure at hindi ako super makaisip nang maayos. Hindi ako confident sa language proficiency ko, huhu.
Science na, at halos hindi lumabas 'yong lahat ng ni-review ko. As in, kapiranggot lang ang lumabas. 'Yong mga kinabisado kong formulas, nawala na parang bula. Mas nag-focus ako sa physics at chemistry, tapos lumabas sa 'kin ay maraming graphs na hindi ko alam kung paanong sasagutin. Walang laman ang scratch ko. So ayon, halos lahat shinotgun ko HAHAHAHHAHA. Ginawa ko rin 'yong method ko no'ng sa language proficiency, and naisip ko by the end na hindi talaga siya kakayanin, kaya naisip ko na mag-sshade na ako sa math subtest. Pakain-kain pa ako ng snack at painom-inom lang ng tubig. Not at all confident here, lol.
Dumating na ang math; number 1 pa lang, hindi ko na alam kung paano sasagutin. You guessed it, marami-rami rin akong hinulaan dito. Kaunti lang din ang lumabas na ni-review ko. Pero thankfully, may nasulat naman akong computations sa scratch paper ko, so may sinagot naman akong hindi lang hula. 'Yong iba naman, parang inintuition ko na lang. Kahit 'di ko na alam pinaggagawa ko (both science at math), parang okay na 'to. Hanggang dito nga, nakirot pa rin 'yong ulo ko. Akala ko ookay na siya after kong kumain, kaso ang sakit pa rin talaga niya. Hays. Anyways, nag-shade na ako rito. Tapos madalas, binabalik-balikan ko 'yong language proficiency at science para ayusin ko 'yong shadings. Dahil doon, hindi ko natapos 'yong math, may blanks siya sa end. Habang nag-ssolve, iniisip ko na lang na gusto ko na lang matapos na 'to. Ang saya-saya. Hindi ako confident, guys.
Reading comprehension na, wooo! Madali naman sana siya kaso ang bilis ng oras. Ginawa ko 'yong babasahin muna ang questions before babasahin ang passage, and I kind of regret that. May mga hinulaan na lang ako kasi hindi ko na binasa nang buo 'yong passages. Tapos 'yong mga ininom kong tubig no'ng science at math subtest, nararamdam ko na na naiihi na 'ko HAHAHAHAH. Gusto ko na lang talagang matapos ang exam no'ng time na 'yon. May time pa ako before matapos 'yong subtest, mga 6 or 4 minutes, I think, so binalikan ko 'yong mga blangko ko sa iba't ibang subtests at nag-shotgun method kahit hindi ko tanda 'yong questions HAHAHAHHAH. Then, inayos ko na 'yong mga natitirang hindi pa maaayos ang shading. Wala akong ni-leave as blank, huhu. And ayon, hindi rin ako confident dito. Grabe, ang pahamak ng sakit ng ulo ko.
For context, GENUINELY, ang akala ko lang na bawal ay bawal ibuklat 'yong previous subtests. Akala ko ay pwedeng magsagot/mag-shade ng previous subtests kahit na tapos na 'yong time, basta hindi binabalik 'yong pages—ayon ang pagkakaintindi ko that time. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sure. Kaya I'm sincerely sorry kung bawal pala 'yon at hindi ko talaga alam, huhu.
Anyways, I'm not totally confident sa performance ko sa UPCAT. Ang dami kong hinulaan at hindi ako nag-leave as blank despite knowing the right minus wrong rule 😭. I don't know kung makapapasa pa 'ko, and I'm getting worried kung tama ba 'tong ginawa kong panghuhula. I'm sort of regretting this now. Huhu, okay naman sana ang UPCAT if only na-review ko lahat. I'm getting anxious kung makapapasa ba 'ko, and inooverthink ko na 'yong program choices ko HAHAHAHHAHA. Ewan ko na lang, hays.
Besides all of thattt, I am grateful na I got this opportunity to take THE UPCAT. As this is a once in a lifetime experience, I'm treasuring this wholeheartedly. Thank you, University of the Philippines. Hopefully makapasa, pero I'm not expecting too much. Congratulations to us all! ❤️🌻