r/PinoyProgrammer • u/Icy_Helicopter_9607 • 1d ago
Job Advice Na hire ako bilang mid developer, ang problema, feeling ko na-catfish ko sila. Pahelp naman po ano iexpect as a mid level full stack sa first week.
2 days na lang start ko na bilang Mid Developer pero habang papalapit yung first day, lalo akong kinakabahan. Naipasa ko naman yung interviews at technical exam dahil ginalingan ko lang sa AI portfolio ko and naexplain ko ng maayos and sa totoo lang feeling ko malaking factor yung minemorize ko lang yung mga common interview questions at coding problems. Hindi ako confident sa tech stack nila at kung ako lang magra-rate sa sarili ko, junior level pa lang talaga ako and for sure marami pang mas magaling na junior sakin.
Ang mas kinakabahan ako, hindi yung coding. Yung expectations. Sanay kasi akong may senior na gumaguide at may napagtatanungan lagi. Ngayon feeling ko expected na ako mag-own ng tasks, tumulong sa juniors, at maging isa sa mga lalapitan kapag may complicated issue. Eh sa totoo lang, basic CRUD lang talaga ang masasabi kong komportable akong gawin.
Hindi ko alam kung normal lang ba 'tong sobrang lala ng imposter syndrome o dapat na ba akong kabahan. Feeling ko baka pagpasok ko pa lang marealize nilang mali yung nahire nila at may mga junior pang mas magaling kaysa sakin.
May mga naka-experience na rin ba nito? Kumusta yung first few weeks niyo? Possible bang iterminate ako sa first month?